Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Nagbubunyi sa Ating Diyos na Hari

Tagalog
Nagbubunyi sa Ating Diyos na Hari
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 148
Nagbubunyi sa Ating Diyos na Hari

Awit 148

Nagbubunyi sa Ating Diyos na Hari

(Awit 145:1)

1. O umawit kay Jehova!

Maghapon ay purihin siya.

Pangalan niya ay sambahin,

Laging sa kanya dumaing.

Palad niya ay binubuksan,

Hindi tayo tatalikdan.

Sa Diyos tayo ay magtapat;

Siya’y mapagmahal sa lahat.

2. Maging matapat, totoo

Sabihing: ‘Pupuri ako.’

Matwid ang sa kanyang daan;

Siya’y dapat na papurihan.

Lingkod niya ay babantayan;

Hindi nga mabibigatan,

Maging sa pamimighati.

Si Jehova ay ibunyi.

3. Malapit na ang Kaharian,

Katwiran ang siyang tatahan.

Ihayag sa sanlibutan

Ng mga nasisiyahan.

Si Jehova ay nagtindig

Ng Haring di madadaig.

Kaaway ay masasawi.

Siya’y Diyos, di siya magagapi.