Umawit ng mga Papuri kay Jehova

May-Kagalakang Paglilingkod

Tagalog
May-Kagalakang Paglilingkod
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 130
May-Kagalakang Paglilingkod

Awit 130

May-Kagalakang Paglilingkod

(Awit 32:11)

1. May galak na maglingkod sa ating Diyos;

Ang talino nati’y gamiting lubos.

Kaunti man ang ating paglilingkuran,

Ang pag-ibig nati’y pinatunayan.

2. Sa paglilingkod may gawain lahat,

Yamang mang-aani’y di pa rin sapat.

Atas nati’y buhat sa kalangitan;

Mga pagpapala ang makakamtan.

3. Kahit katotohana’y di tanggapin,

Diyos di maaaring magsinungaling.

Tayo nga’y mangaral nang may tiwala,

Pagka’t totoo ang kanyang Salita.

4. Sa paglilingkod na may kagalakan,

Na nagbabalita sa kaninoman,

Ang Diyos tayo ay sinasang-ayunan;

Tayo’y lingkod niya na may kapurihan.