Tagalog
Manghawakang Mahigpit sa “Maligayang Pag-asa”
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 119
Manghawakang Mahigpit sa “Maligayang Pag-asa”

Awit 119

Manghawakang Mahigpit sa “Maligayang Pag-asa”

(Tito 2:13)

1. Tao’y nag-aapuhap sa kadiliman.

Sikap nila ay walang kabuluhan.

May kalubhaan na ang kasamaan.

Kay saklap na kahihinatnan!

(Koro)

2. Sanhi nito galak nating natutuhan,

Kung bakit kasamaa’y hinayaan.

Kay Jesu-Kristo ay may kalutasan;

Kapanig niya’y mag-aawitan.

(Koro)

3. Naririnig na ngayon ang panawagan.

Lilipas ang takot at agam-agam.

Sangnilalang pawang palalayain.

Pag-asang dapat na hintayin.

(KORO)

Mangagsaya, Kaharia’y tanaw na.

Anak niya ang papawi sa pangamba.

At sa wakas, dusa ay lilipas.

Pag-asang ito’y laging namamalas.