Umawit ng mga Papuri kay Jehova

“Mangagalak, O mga Bansa”!

Tagalog
“Mangagalak, O mga Bansa”!
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 14
“Mangagalak, O mga Bansa”!

Awit 14

“Mangagalak, O mga Bansa”!

(Roma 15:10)

1. Mangagalak, O mga bansa!

Narito’ng Kaharian.

Si Kristo’y nasa Bundok ng Sion;

Pawang kagalakan!

Ang panahong Gentil natapos;

Mapupuksang lubos.

Mangagalak, O mga bansa!

Hari’y Anak ng Diyos.

2. Mangagalak, O mga bansa!

Pagka’t malapit na

Ang Armahedong mapamuksa;

Kaysa inakala.

Kinasusuklamang larawan,

Pinapupurihan,

Prinsipe ng Kapayapaan

Ay tinatanggihan.

3. Mangagalak, O mga bansa!

At magbahay-bahay.

Balita nga ng Kaharian

Ay ating isaysay.

Na si Jesus ay maghahari,

Pag-ibig, katwiran.

Mangagalak, O mga bansa!

Na may katapatan.