Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Manalangin kay Jehova Araw-araw

Tagalog
Manalangin kay Jehova Araw-araw
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 161
Manalangin kay Jehova Araw-araw

Awit 161

Manalangin kay Jehova Araw-araw

(1 Tesalonica 5:17)

1. Araw-araw manalangin kay Jah.

Iyo’y pribilehiyo natin talaga.

Sa kanya’y may layang magsumamo;

Siya’y Ama natin na sinusuyo.

Manalangin sa tuwina.

2. Araw-araw manalangin kay Jah,

Tawad hilingin mula sa kanya.

Sa lahat ng tukso siya’y alalay;

Upang huwag na tayong manlupaypay.

Manalangin sa tuwina.

3. Araw-araw manalangin kay Jah.

Puso mo’y hindi mababalisa.

Ang pasan mo’y sa kanya iatang;

Ang pagpapalang ito’y kakamtan.

Manalangin sa tuwina.

4. Araw-araw manalangin kay Jah.

Purihin at pasalamatan siya.

Dumulog sa kanya nang taimtim;

At ang kabutihan niya’y lasapin.

Manalangin sa tuwina.