Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Maligaya ang Maawain!

Tagalog
Maligaya ang Maawain!
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 62
Maligaya ang Maawain!

Awit 62

Maligaya ang Maawain!

(Mateo 5:7)

1. Maawai’y maligaya!

Sa Diyos sila ay maganda.

Sa katwira’y maibigin,

Sa awa Diyos may pagtingin.

Sa Kalbaryo Diyos naglaan,

Ukol sa ’ting katubusan.

Maamo’y kinahabagan,

Batid niyang alabok lamang.

2. Maawai’y binasbasan;

Pinawi ang kasalanan.

Nakikinabang sa awa

Na sa Diyos ay nagmumula.

Kaawaa’y itatanghal

Sa gawaing pangangaral.

Lahat pinagsasabihang:

Narito na ang Kaharian.

3. Maawai’y huwag mangamba

Pag naghukom si Jehova;

Yamang sila’y maawain,

Habag ay makakamtan din.

Tayo’y maging maawain,

May giliw nating taglayin.

Sa bawa’t pagkakataon,

Tularan ang Panginoon.

(KORO)

Maawai’y maligaya!

Sa Diyos sila ay maganda.