Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Malapit na ang Takdang Panahon

Tagalog
Malapit na ang Takdang Panahon
/assets/ct/a5f5be13b3/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 137
Malapit na ang Takdang Panahon

Awit 137

Malapit na ang Takdang Panahon

(Habakuk 2:3)

1. O Jehova na siyang Banal,

Ang Bato, noong una pa,

Buhat Sion ika’y uungal;

Hatol mo, malapit na.

Kung sakali at magtagal,

Ito’y tiyak na darating.

O! Kawakasa’y malapit na;

Amin ngang hihintayin.

2. Hindi na rin magluluwat,

Huhugutin ang iyong tabak.

Sa lupa ay makikita,

Pagsamba na busilak.

Balakyot man ay mapoot

At kami ay masaktan,

Subali’t sa takda mong araw,

Ang bisig mo’y huhubdan.

3. Diyos, Hari at Panginoon,

Jehova ang iyong pangalan.

Mga tao’y namamangha

Sa iyong kadakilaan.

Ang Anak mo’y naghahari

Na makapangyarihan,

At, do’n sa luklukan mo,

O Diyos, lupa’y nasasakupan.

4. Tinig namin ay masaya;

Sa iyo, Diyos, mag-aawitan.

Kay Kristo ang kaligtasan

Sa ngayo’y makakamtan.

O dakilang Kamahalan,

Sa ngayo’y takdang oras.

O! Aming kinasasabikan,

Tagumpay mo sa wakas.