Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Maging Matatag na Kagaya ni Ruth

Tagalog
Maging Matatag na Kagaya ni Ruth
/assets/ct/08c9985de2/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 120
Maging Matatag na Kagaya ni Ruth

Awit 120

Maging Matatag na Kagaya ni Ruth

(Ruth 1:15-17)

1. Si Noemi’y kay Ruth hihiwalay,

Bagaman siya ay nalulumbay.

Sa Moab si Ruth di babalik;

Puso niya kay Noemi’y nasasabik.

2. ‘Kailanma’y hindi ka iiwan.

Sasama ako kahit saan.

Higaan mo’y aking higaan.

Libingan mo’y siya ko ring libingan.

3. ‘Bayan mo ay akin ding bayan,

Diyos mo’y akin magpakailanman.

Loobin nawa ng Diyos ito,

Di mawawalay ako sa iyo.’

4. Si Ruth ay tapat, maibigin!

Ulirang dapat nating sundin.

Sana tayo ay singtibay niya

Sa panghahawakan kay Jehova.