Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Maging Mapagpatawad

Tagalog
Maging Mapagpatawad
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 110
Maging Mapagpatawad

Awit 110

Maging Mapagpatawad

(Efeso 4:32)

1. Maibigin si Jehova,

Sa sala’y naglaan siya,

Ang Anak niya ay sinugo,

Tulong na mahalaga.

Kung pagsisi nati’y tunay,

Awa niya’y mahihiling.

Salig sa handog ni Kristo,

Tayo’y patatawarin.

2. Nguni’t Diyos nagpapatawad

D’on sa kanya’y tutulad,

Na ang awa ay sagana,

Iba’y pinatatawad.

Yayamang tayo’y di sakdal,

Malimit ding lumabag

Sa salita at sa kilos;

Kailangan din ang habag.

3. Mai’wasan ang kalungkutan

Kung magpapatawaran;

Kung ipakita ang awang

Galing sa kalangitan.

Ang pagpapatawad nati’y

Patunay na maygulang,

Tayo’y may kaunawaan,

Bunga’y kapayapaan.

4. Kay inam ang magpatawad,

At dapat na linangin.

Pagsisisi’y maiiwasan,

Poot ay papawiin.

Kung sadyang nagpapatawad,

Ang Diyos tinutularan,

Nalulugod magpatawad,

Ang awa niya’y uliran.