Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Kay Jehova Dapat Maghintay

Tagalog
Kay Jehova Dapat Maghintay
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 179
Kay Jehova Dapat Maghintay

Awit 179

Kay Jehova Dapat Maghintay

(Roma 8:19)

1. Munting kawan ay tapat.

Sa Diyos dapat maghintay.

Sa langit iluluklok;

Ang pag-asa ay tunay.

Si Kristo ay Hari;

Siya’y mamamalagi.

Gantimpala’y dulot niya

Sa sakop niyang tanan,

Sa kanyang Kaharian.

2. May kasama pa sila,

Ang lubhang karamihan.

Mithiin nila’y isa

Katapata’y ingatan.

Sila’y naghihintay

Ng pagtatagumpay

Ng mga Anak ng Diyos,

Na siyang maglalaan

Ng kapayapaan.

3. Bagong langit at lupa,

Diyos ang siyang naglalaan.

Ang katwira’y tatahan,

Pagsilang ng Kaharian.

Sabik tayo dito,

Habang natututo.

Diyos ating tiwalaan;

Sa kanya’y maghintay.

Oo, maghihintay.