Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Katunayan ng Pagka-Alagad

Tagalog
Katunayan ng Pagka-Alagad
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 200
Katunayan ng Pagka-Alagad

Awit 200

Katunayan ng Pagka-Alagad

(Juan 13:34, 35)

1. Pag-ibig ipakita,

Nang tayo’y makilala

Bilang mga Kristiyano,

Tumutulad kay Kristo.

Saan masusumpungan,

Pag-ibig na uliran?

Sarili’y ibibigay,

Upang kapwa’y mabuhay.

2. Ang pag-ibig ay tapat,

Nauukol sa lahat.

Iyan ay kaayaaya,

Kapwa’y pinagpapala.

Iya’y bagong kautusan;

Laging handang pumasan.

Kasakima’y di taglay,

Nang iba ri’y mabuhay.

3. Hanap niya’y kabutihan,

Buklod ng kapatiran.

Puspos ng kabaitan,

Mabuti’y tinitingnan.

Batid ng sanlibutan,

Diyos sa ’ti’y may ka’waan.

Ang Anak di kinait.

Tunay, Diyos ay pag-ibig!