Tagalog
Inihahayag ng Sangnilalang ang Kaluwalhatian ni Jehova
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 79
Inihahayag ng Sangnilalang ang Kaluwalhatian ni Jehova

Awit 79

Inihahayag ng Sangnilalang ang Kaluwalhatian ni Jehova

(Awit 19)

1. O Diyos, batid ng aking kalul’wa,

Luwalhati mo’y langit nagbabadya.

Gabi’t araw kahit walang tinig,

Kaalaman ay pinaririnig.

Gabi’t araw kahit walang tinig,

Kaalaman ay pinaririnig.

2. Araw, buwan at mga bitwing likha,

Karagatang may hangganang takda.

Ang tao ay walang magagawa,

Kundi ang pumuri sa Maylikha.

Ang tao ay walang magagawa,

Kundi ang pumuri sa Maylikha.

3. Batas mo’y sakdal; utos mo’y tunay.

Paalaala mo’y ibinigay.

Higit pa sa gintong dinalisay,

Nawa’y lagi naming maging gabay!

Higit pa sa gintong dinalisay,

Nawa’y lagi naming maging gabay!