Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Huwag Matakot sa Kanila!

Tagalog
Huwag Matakot sa Kanila!
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 27
Huwag Matakot sa Kanila!

Awit 27

Huwag Matakot sa Kanila!

(Mateo 10:28)

1. Patuluyan, aking bayan,

Kaharia’y ihayag.

Huwag kayong mabagabag,

Balita’y ipamansag;

Pagka’t Haring Jesu-Kristo,

Sa langit nagpalayas,

At malapit nang gapusin

Ang Diyablo at Satanas.

(Koro)

2. Kahit kaaway matibay,

At sila ay marami,

Mapanlinlang mang ngiti

Ang gamiting panghuli,

Huwag matakot aking kawal;

Puso’y huwag manglupaypay;

Ang tapat ay iingatan,

At ligtas sa kaaway.

(Koro)

3. Di kita kalilimutan;

Diyos ako at sanggalang.

Kahit ka pa mapaslang

Kamataya’y di hadlang.

Huwag matakot aking kawal;

Tao man ay magyabang,

Iingatan kong lahat ang

Matapat maglingkuran.

(KORO)

Katawan ma’y mapahamak

Nguni’t di ang kalul’wa.

Huwag matakot, magpatuloy;

Aking tutulungan ka.