Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Ang Nalabing Shulamita

Tagalog
Ang Nalabing Shulamita
/assets/ct/29206d32a6/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 11
Ang Nalabing Shulamita

Awit 11

Ang Nalabing Shulamita

(Awit ni Solomon 6:13)

1. ‘Sintang Shulamita na ubod ganda,

Espirit’walidad mo’y pambihira.

Ang salita mo ay kanasa-nasa,

Ang iyong pakisama’y kahanga-hanga.’

2. Ganyan ang sinabi ni Kristo Jesus,

Nais niyang sila ay magsamang lubos.

Mayuming dalaga, may katatagan,

Ano ang sagot mo bilang huwaran?

3. ‘Pantanging pagsamba di mabayaran.

Pagsintang matimyas di kayang subhan.

Sintibay ng Sheol pagmamahalan.

Liyab ni Jehova magpakailanman.’

4. Labing Shulamita, tukso’y labanan.

Maging dalisay sa iyong kasintahan.

Kasamang dalaga’y tutulad sa iyo,

Makikigalak sa gantimpala mo.