Tagalog
Ang Nahahayag na “Walang Hanggang Layunin” ng Diyos
/assets/ct/08c9985de2/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 99
Ang Nahahayag na “Walang Hanggang Layunin” ng Diyos

Awit 99

Ang Nahahayag na “Walang Hanggang Layunin” ng Diyos

(Efeso 3:11)

1. Sumulong sa unahan,

Kani-kanyang hanay.

Sa lahat ng kanyang mga lingkod,

Si Jehova’y gumagabay.

Ang pagsamba na tunay,

Isinauli na.

Kay dami nang mga dumadagsa

Upang magsisamba.

2. Ang tunay na pag-asa,

Galing kay Jehova.

Tayo ay hindi na mangangapa

Sa kadilima’t pangamba.

Layunin niyang ang tao’y

May kapayapaan.

Sa paghahari ni Kristo Jesus,

Wala nang digmaan.

3. Layunin niya’y nahayag,

Magsikap nga tayo.

Tahakin nati’y landas ng buhay

At laging isipin ito.

Layunin ni Jehova,

Tiyak na tutuparin.

Tayo’y kumilos at sumulong pa,

Ngalan niya’y purihin.