Tagalog
Ang Langit ay Naghahayag ng Kaluwalhatian ng Diyos
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 175
Ang Langit ay Naghahayag ng Kaluwalhatian ng Diyos

Awit 175

Ang Langit ay Naghahayag ng Kaluwalhatian ng Diyos

(Awit 19:1)

1. Ang langit ay kay Jah lumuluwalhati;

Mga gawa niya ay ating nakikita.

Araw-araw ay pinupuri;

Bawa’t gabi sumasaksi, kadakilaan niya.

2. Batas ng Diyos nagbibigay ng buhay,

Walang karanasa’y di na maliligaw.

Dulot sa puso’y kasiyahan;

Sa utos niya’y huwag sisinsay, buhay tinatanaw.

3. Takot sa Diyos, walang hangga’t dalisay.

Kanyang kahatula’y matwid at magaling.

Higit pa kaysa gintong yaman,

Anong sarap na malasap; pulot ang kahambing.

4. Salamat sa iyong paalaala;

Kung aming ingatan biyaya’y matamo.

Nawa ang ating gawa’t isip

Matwid, tapat, siyang marapat sa ’ting Soberano.