Umawit ng mga Papuri kay Jehova

Ang Hapunan ng Panginoon

Tagalog
Ang Hapunan ng Panginoon
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 87
Ang Hapunan ng Panginoon

Awit 87

Ang Hapunan ng Panginoon

(1 Corinto 11:23-26)

1. Jehova, Amang nasa langit,

Ito ay gabing binanal!

Ikalabing-apat noon ng Nisan,

Pag-ibig mo ay natanghal.

Kordero ng Paskwa’y kinain,

Ang Israel pinalaya.

Nang malaon si Kristo’y buhay ’nihandog

Bilang katuparan ng hula.

2. Sa harap mo kami’y nagtipon,

Bilang tupa ng iyong kawan,

Upang magpuri sa iyong pag-ibig;

Ngalan mo ay parangalan.

Sa harap namin ay may hain,

Ang alak at ang tinapay.

Mga sagisag na nagpapagunita

Ng pagkai’y sa ami’y bagay.

3. Tinapay ay lumalarawan

Kay Jesu-Kristong katawan.

Ang alak nama’y sagisag ng dugo,

Sa tao ay katubusan.

Memoryal ay laging bulayin

Sa ating puso’t isipan.

Araw-araw lumakad sa da’n ni Jesus,

Nang mabuhay magpakailanman.