Umawit ng mga Papuri kay Jehova

“Ako si Jehova”!

Tagalog
“Ako si Jehova”!
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
Ssb awit 61
“Ako si Jehova”!

Awit 61

“Ako si Jehova”!

(Isaias 42:8)

1. Dinggin mga haring pagano,

Hinahamak si Jehova.

Ayaw kilalani’y Kaharian niya;

Kapangyarihan niya’y dinusta.

Nguni’t mga hukbo’y sinong nagbagsak,

Kahiya-hiya ang pagkawasak?

Bisig nino ang sumupil sa hambog,

Tagumpay ng piling baya’y tiyak?

(Koro)

2. Tingna’t mga bansa’y nagpisan;

Anak ng Diyos ang kalaban!

Mga kawal nila ay nangangatog;

Kahabag-habag taong bayan.

Ah! Sinong lulupig sa mapang-api,

At magliligtas sa nalugami?

At sinong magtatatag ng katwiran,

Pal’tan ng awit ang mga hibik?

(KORO)

Ako ang Diyos; walang katulad.

Ako ang Diyos; ngalan ko’y Jehova.

Ang aking hari’y nasa bundok ng Sion;

Siya’y yukuran! Siya ay naghahari na.