Kaunawaan sa Kasulatan

Zerera

Tagalog
Zerera
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Zerera

Zerera

 Ayon sa ulat, habang tinutugis ng mga hukbo ni Gideon ang natalong mga Midianita, ang mga ito’y patuloy na tumakas “hanggang sa Bet-sita, sa Zerera, hanggang sa mga hangganan ng Abel-mehola sa tabi ng Tabat.”​—Huk 7:22.

 Sa dalawampung manuskritong Hebreo, “Zereda” ang mababasa sa talatang ito sa halip na Zerera. Yamang sa 2 Cronica 4:17 at 1 Hari 7:46, ang Zereda at Zaretan ay ginamit nang magkatumbas, may mga nagmumungkahi na ang Zerera at Zaretan ay iisa.​—Tingnan ang ZARETAN.

 Gayunman, upang maging posible ito, ang pananalitang “sa Zerera” ay dapat unawain na ‘sa direksiyon ng Zerera,’ yamang ang Zaretan ay waring nasa dakong T pa ng Abel-mehola. Kung hindi naman, kailangang ituring na ang Zerera ay nasa pagitan ng Bet-sita at Abel-mehola, at sa ganitong kaso, hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Zerera.