Kaunawaan sa Kasulatan

Uzielita, Mga

Tagalog
Uzielita, Mga
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Uzielita, Mga

Uzielita, Mga

 [Ni (Kay) Uziel].

 Mga Levitang inapo ng ikaapat na anak ni Kohat na si Uziel. (Bil 3:19, 27) Nagkampo sila sa dakong T ng tabernakulo, at isa sa mga Uzielita, si El(i)sapan, ang naging pinuno ng lahat ng Kohatita. (Bil 3:29, 30) Isang daan at labindalawang Uzielita sa ilalim ni Aminadab ang sumabay sa kaban ng tipan nang iutos ni David na dalhin ito sa Jerusalem. (1Cr 15:3, 4, 10) Kasangkot din ang mga Uzielita sa pag-oorganisa ni David ng paglilingkod sa templo.​—1Cr 23:6, 20; 24:24; 26:23, 24.