Kaunawaan sa Kasulatan

Uriel

Tagalog
Uriel
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Uriel

Uriel

 [Ang Diyos ay Liwanag].

  1. Isang Levitang inapo ni Kohat; anak ni Tahat.​—1Cr 6:22, 24.

  2. Pinuno ng mga Kohatita noong panahong ipag-utos ni David na dalhin ang kaban ng tipan sa Jerusalem.​—1Cr 15:5, 11, 12, 15.

  3. Ama ni Micaias (Maaca) na asawa ni Haring Rehoboam at ina ni Abias. (2Cr 13:1, 2; 11:21) Si Maaca ay apo ni Absalom. Yamang lumilitaw na ang tatlong anak na lalaki ni Absalom ay namatay nang bata pa at walang mga anak (2Sa 14:27; 18:18), malamang na si Micaias ang anak ng anak na babae ni Absalom na si Tamar at ni Uriel, hindi anak ni Absalom, kundi manugang.