Kaunawaan sa Kasulatan

Sinim, Lupain ng

Tagalog
Sinim, Lupain ng
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Sinim, Lupain ng

Sinim, Lupain ng

 Isang bansa na inihulang panggagalingan ng nangalat na mga Israelita pagsapit ng panahon na sila’y maninirahan na sa kanilang sariling lupain at pananauliin iyon. (Isa 49:12) Ipinahihiwatig ng pagtukoy sa H at K sa talata ring iyon na ang Sinim ay nasa T o S ng lupain ng Israel. Sa halip na “Sinim,” ang Griegong Septuagint ay kababasahan ng “lupain ng mga Persiano,” at maaaring kasama rito ang Elam, na tinawag na Si-nim sa Matandang Akkadiano. (Ihambing ang Isa 11:11.) Sa kabilang dako naman, “[lupain] sa dakong timog” ang mababasa sa mga Targum at Latin na Vulgate. Iminumungkahi ng ilang iskolar na ito ay ang Seyene (Eze 30:6) na nasa pinakadulong timog ng Ehipto. Ngunit hindi matiyak kung saan ang lokasyon ng Sinim.