Kaunawaan sa Kasulatan

Sin, Shin

Tagalog
Sin, Shin
/assets/ct/b4d7e1101e/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Sin, Shin

Sin, Shin

 [שׂ], Shin [שׁ].

 Ang ika-21 titik sa alpabetong Hebreo. Ginamit ang titik na ito upang kumatawan sa dalawang tunog, at noong dakong huli, pinag-iba ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang tuldik. Kapag may isang tuldok sa ibabaw ng kaliwang “sungay” [שׂ], binibigkas ito na “s”; kung ang tuldok naman ay nasa ibabaw ng kanang “sungay” [שׁ], binibigkas ito na “sh.”

 Sa Hebreo, ang bawat isa sa walong talata ng Awit 119:161-168 ay nagsisimula sa titik na ito.