Kaunawaan sa Kasulatan

Shaul

Tagalog
Shaul
/assets/ct/08c9985de2/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Shaul

Shaul

 [Itinanong [sa Diyos]; Isinangguni [sa Diyos]].

  1. Ikaanim na binanggit na hari ng sinaunang Edom; kahalili ni Samla at hinalinhan ni Baal-hanan. Si Shaul ay mula sa “Rehobot sa tabi ng Ilog.”​—Gen 36:31, 37, 38; 1Cr 1:48, 49.

  2. Huling binanggit na anak ni Simeon, isinilang ng isang babaing Canaanita. (Gen 46:10; 1Cr 4:24) Si Shaul ang pinagmulan ng pamilya ng mga Shaulita na kabilang sa mga Simeonita.​—Exo 6:15; Bil 26:12, 13.

  3. Isang Levitang inapo ni Kohat.​—1Cr 6:22-24.