Kaunawaan sa Kasulatan

Senir

Tagalog
Senir
/assets/ct/2fee4a8a5e/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Senir

Senir

 Ang tawag ng mga Amorita sa Bundok Hermon. (Deu 3:9) Yamang binabanggit ng 1 Cronica 5:23 ang “Senir at Bundok Hermon,” maaaring ginamit din ang pangalang Senir upang tumukoy sa isang bahagi ng Kabundukan ng Hermon o Anti-Lebanon. Ang Senir noon ay pinagkukunan ng mga kahoy ng enebro (Eze 27:5) at pinamumugaran ng mga leon at mga leopardo. (Sol 4:8) Inilalarawan ng isang inskripsiyong Asiryano ang Senir (Sa-ni-ru) bilang “isang bundok, na nakaharap sa Lebanon.”​—Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 280; tingnan ang HERMON.