Kaunawaan sa Kasulatan

Sear-jasub

Tagalog
Sear-jasub
/assets/ct/29206d32a6/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Sear-jasub

Sear-jasub

 [Isang Nalabi Lamang (Yaong mga Nalalabi) ang Babalik].

 Ang unang anak ni Isaias. Sumama si Sear-jasub nang maghatid si Isaias ng isang makahulang mensahe kay Haring Ahaz noong panahon ng pagsalakay sa Juda ng Israelitang si Haring Peka. (Isa 7:1, 3) Si Isaias at ang kaniyang mga anak ay nagsilbing mga tanda at mga himala mula kay Jehova sa Israel; kaya inihula ng pangalan ni Sear-jasub na ‘isang nalabi lamang ang makababalik’ mula sa pagkatapon sa Babilonya.​—Isa 8:18; 10:21.