Kaunawaan sa Kasulatan

Nergal-sarezer

Tagalog
Nergal-sarezer
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Nergal-sarezer

Nergal-sarezer

 [mula sa wikang Akkadiano, nangangahulugang “Ipagsanggalang Nawa ni Nergal ang Hari”].

  1. Isang Babilonyong prinsipe noong panahon ni Nabucodonosor.​—Jer 39:3.

  2. Isa pang mahalagang prinsipe sa mga hukbo ni Nabucodonosor noong bumagsak ang Jerusalem, naiiba sa Blg. 1 dahil sa karagdagang titulo na Rabmag. Ang Rabmag na ito ang tumulong sa pagpapalaya kay Jeremias.​—Jer 39:3, 13, 14.

 Dahil ang pangalang ito ay may kapansin-pansing pagkakatulad doon sa nasumpungan sa mga inskripsiyong Babilonyo (Nergal-shar-usur), inaakala ng ilang iskolar na ang prinsipeng ito ay si Neriglissar (anyong Griego), pinaniniwalaang ang humalili kay Haring Evil-merodac (Awil-Marduk).​—Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 308.