Kaunawaan sa Kasulatan

Nebalat

Tagalog
Nebalat
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Nebalat

Nebalat

 Isang lugar na tinirahan ng mga Benjamita pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:31, 34) Karaniwang ipinapalagay na ang Nebalat ay ang Beit Nebala (Horvat Nevallat). Palibhasa’y nasa isang mababang burol na mga 6 na km (3.5 mi) sa SHS ng makabagong Lida (Lod), matatanaw mula sa Beit Nebala ang TS dulo ng Kapatagan ng Saron.