Kaunawaan sa Kasulatan

Mica

Tagalog
Mica
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Mica

Mica

 [pinaikling anyo ng Miguel o Micaias].

 Ang mga pangalang Ingles na Mica at Micah ay resulta ng maliit na pagkakaiba ng baybay sa Hebreo.

  1. Anak ni Mepiboset (Merib-baal) at apo ng anak ni Haring Saul na si Jonatan. Si Mica (tinawag ding Mikas) ay ama nina Piton, Melec, Tarea (Tahrea), at Ahaz.​—2Sa 9:12; 1Cr 8:33-35; 9:39-41.

  2. Isa sa mga Levita (o ang ninuno ng isang Levita) na nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahon ni Nehemias.​—Ne 9:38; 10:1, 9, 11.

  3. Isang Levitang inapo ni Asap at anak ni Zicri (kilala rin bilang Zabdi at Zacur). Si Mica ay ama ni Matanias at tinatawag ding Mikas at Micaias.​—1Cr 9:14, 15; Ne 11:17, 22; 12:35.