Kaunawaan sa Kasulatan

Merib-baal

Tagalog
Merib-baal
/assets/ct/29206d32a6/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Merib-baal

Merib-baal

 [posible, Nakikipaglaban kay Baal; o, Si Baal ay Gumagawa ng Legal na Pagtatanggol].

 Apo ni Haring Saul, anak ni Jonatan, at ama ni Mikas. (1Cr 8:33, 34) Lumilitaw na ito ay isa pang pangalan ni Mepiboset. Ang ibang mga tao noon ay mayroon ding dalawang pangalan, gaya ni Esbaal, na tinawag ding Is-boset.​—Ihambing ang 2Sa 2:8 sa 1Cr 8:33.

 Ang pangalang Merib-baal ay masusumpungan sa dalawang waring magkaibang anyong Hebreo (Merivʹ baʹʽal at Meri-vaʹʽal) sa 1 Cronica 9:40. Ang unang anyo ay ginamit din sa 1 Cronica 8:34. Ang nagpapahiwatig na iisa ang tinutukoy ay ang bagay na si Mepiboset ay may isang anak na lalaki na nagngangalang Mica at si Merib-baal ay may isang anak na nagngangalang Mikas. (Ihambing ang 2Sa 9:12 sa 1Cr 9:40.) Nagkaroon ng mga anyong “Mica” at “Mikas” dahil lamang sa isang maliit na pagkakaiba sa baybay ng mga pangalang ito sa Hebreo.