Tagalog
Matambong Lawa
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Matambong Lawa

Matambong Lawa

 Ang salitang Hebreo na ʼaghamʹ, na isinaling “matambong lawa,” ay malamang na isang katubigan na likas na naipon sa isang mababang dako. (Exo 7:19; 8:5; Aw 107:35; 114:8; Isa 35:7; 41:18) Ang hula na nagsasabing gagawin ng Diyos na “mga matambong lawa ng tubig” ang Babilonya ay buong-linaw na nagpapakita na magiging matindi ang pagkatiwangwang nito.​—Isa 14:23.