Kaunawaan sa Kasulatan

Manahat

Tagalog
Manahat
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Manahat

Manahat

 [mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magpahinga; manatili”].

  1. Isang inapo ni Seir sa pamamagitan ni Sobal.​—Gen 36:20, 23; 1Cr 1:38, 40.

  2. Isang dako kung saan ipinatapon ang “mga anak ni Ehud” na naninirahan sa Geba sa isang di-tiniyak na panahon. (1Cr 8:6) Ipinapalagay ng ilan na ito ang el-Malha (Manahat), mga 6 na km (3.5 mi) sa KTK ng Temple Mount sa Jerusalem.