Kaunawaan sa Kasulatan

Mahali

Tagalog
Mahali
/assets/ct/7e6416ec85/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Mahali

Mahali

 [posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “manghina; magkasakit”].

  1. Apo ni Levi, anak ni Merari at kapatid ni Musi. (Exo 6:16, 19; 1Cr 6:19, 29; 24:26) Si Mahali ang ama nina Eleazar at Kis at ulo ng pamilya ng mga Mahalita. (Bil 3:20, 33; 1Cr 23:21; 24:28, 29) Ang kaniyang inapong si Serebias, tinukoy na “isang lalaking may karunungan mula sa mga anak ni Mahali,” ay bumalik sa Jerusalem kasama ni Ezra.​—Ezr 8:18.

  2. Isang Levita, anak ni Musi, at samakatuwid ay pamangkin ng anak ni Merari na si Mahali.​—1Cr 6:47; 23:23; 24:26, 30.