Kaunawaan sa Kasulatan

Maaseias

Tagalog
Maaseias
/assets/ct/579af9cf16/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Maaseias

Maaseias

 [Gawain ni Jehova].

  1. Isang Levitang manunugtog ng ikalawang pangkat na tumugtog ng panugtog na de-kuwerdas nang dalhin ang kaban ni Jehova mula sa bahay ni Obed-edom patungong Jerusalem noong mga araw ni David.​—1Cr 15:17-20, 25.

  2. Isa sa “mga pinuno ng daan-daan” na nakipagtipan sa mataas na saserdoteng si Jehoiada may kaugnayan sa pagtatatag kay Jehoas bilang ang marapat na haring kahalili ng mang-aagaw ng kapangyarihan na si Athalia.​—2Cr 23:1.

  3. Isang opisyal na nasa ilalim ng pangangasiwa ni Hananias, isang prinsipe ni Haring Uzias ng Juda. Maliwanag na kasangkot siya sa pagrerehistro ng mga hukbong militar ni Uzias.​—2Cr 26:11.

  4. Ang “anak ng hari” (isang supling ng Judeanong si Haring Ahaz o posibleng isang opisyal na nagmula sa maharlikang angkan) na pinatay ng Efraimitang si Zicri nang salakayin ni Peka ng Israel ang Juda.​—2Cr 28:1, 6, 7.

  5. Ang pinuno ng lunsod ng Jerusalem at isa sa mga lalaking isinugo ni Haring Josias upang kumpunihin ang bahay ni Jehova.​—2Cr 34:8.

  6. Isang saserdote at ama ng isang Zefanias, isang kapanahon ni Jeremias.​—Jer 21:1; 29:25; 37:3.

  7. Ama ni Zedekias, isang bulaang propeta noong mga araw ni Jeremias.​—Jer 29:21.

  8. Anak ni Salum na bantay-pinto at maliwanag na isang Levita. Isang silid-kainan sa templo ang iniugnay sa kaniyang pangalan.​—Jer 35:4.

  9. Isa sa mga anak ng mga saserdote, mula sa sambahayan ni Jesua, na kabilang sa mga kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito noong panahon ni Ezra.​—Ezr 10:18, 19, 44.

  10. Isang saserdote na mula “sa mga anak ni Harim,” kabilang sa mga nag-asawa ng mga babaing banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito noong panahon ni Ezra.​—Ezr 10:21, 44.

  11. Isang saserdote na mula “sa mga anak ni Pasur,” kabilang din sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.​—Ezr 10:22, 44.

  12. Isang Israelita na mula “sa mga anak ni Pahat-moab,” kabilang sa mga nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.​—Ezr 10:25, 30, 44.

  13. Ama o ninuno ng isang Azarias, isa sa mga nagkumpuni ng pader ng Jerusalem sa ilalim ng pangangasiwa ni Nehemias.​—Ne 3:23.

  14. Isang lalaki na tumayo sa kanan ni Ezra nang basahin nito ang Kautusan sa mga Israelitang nagkakatipon sa Jerusalem.​—Ne 8:2, 4.

  15. Isang Levitang tumulong sa saserdoteng si Ezra sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng Kautusan sa mga Israelitang nagkakatipon sa Jerusalem.​—Ne 8:7.

  16. Isa sa “mga ulo ng bayan” na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong panahon ni Nehemias.​—Ne 9:38; 10:1, 14, 25.

  17. Isang lalaki ng Juda na nanirahan sa Jerusalem pagkabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya. (Ne 11:4, 5) Maaaring siya rin ang Asaias sa 1 Cronica 9:5.​—Tingnan ang ASAIAS Blg. 4.

  18. Isang lalaki ng Benjamin na isang ninuno ni Salu, isang tumatahan sa Jerusalem noong panahon ni Nehemias.​—Ne 11:7.

  19. Isang saserdote na nakibahagi sa pag-aalay ng pader ng Jerusalem noong panahon ni Nehemias.​—Ne 12:41.

  20. Isa pang saserdote na nakibahagi sa pag-aalay ng pader ng Jerusalem noong mga araw ni Nehemias.​—Ne 12:42.