Kaunawaan sa Kasulatan

Kidon

Tagalog
Kidon
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Kidon

Kidon

 Ang pangalan ng may-ari ng giikan o ang mismong giikan kung saan pinabagsak ni Jehova si Uzah noong inililipat sa maling paraan ang kaban ng patotoo mula sa Kiriat-jearim patungo sa Lunsod ni David. Lumilitaw na ang nabanggit na giikan ay nasa pagitan ng dalawang lugar na iyon at malapit sa bahay ni Obed-edom. (1Cr 13:6-14) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito. Pagkatapos ng nabanggit na insidente, ang lugar na ito ay tinawag na Perez-uzah, na nangangahulugang “Galit Laban kay Uzah.”