Kaunawaan sa Kasulatan

Hosaias

Tagalog
Hosaias
/assets/ct/08c9985de2/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Hosaias

Hosaias

 [Iniligtas ni Jah; Si Jah ay Nagligtas].

  1. Ama ni Jezanias o Azarias, na kapanahon ng propetang si Jeremias. (Jer 42:1, 2; 43:2) Sa Griegong Septuagint ay lumilitaw ang pangalang Azarias sa halip na Jezanias sa Jeremias 42:1.

  2. Lumilitaw na isang prinsipe ng Juda na nakibahagi sa prusisyong isinaayos ni Nehemias sa pagpapasinaya ng pader ng Jerusalem.​—Ne 12:31, 32.