Kaunawaan sa Kasulatan

Gia

Tagalog
Gia
/assets/ct/08c9985de2/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Gia

Gia

 [Bumubugso; Bumubulwak].

 Isang lugar na malapit sa “burol ng Amma.” Binanggit ito sa ulat ng pagtugis nina Joab at Abisai kay Abner. (2Sa 2:24) Batay sa konteksto, iminumungkahi ng ilan na ang Gia ay nasa S ng Gibeon sa teritoryo ng Benjamin. May mga lugar namang inihaharap ang ilang iskolar batay sa pagwawasto sa teksto. Gayunman, hindi pa rin alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Gia.​—Tingnan ang AMMA.