Kaunawaan sa Kasulatan

Espelta

Tagalog
Espelta
/assets/ct/579af9cf16/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Espelta

Espelta

 [sa Heb., kus·seʹmeth; sa Ingles, spelt].

 Isang nakabababang uri ng trigo na ang mga butil ay hindi madaling humiwalay mula sa ipa. Noong sinauna, ang espelta (Triticum spelta) ay itinatanim sa Ehipto (Exo 9:32), kung saan, ayon sa Griegong istoryador na si Herodotus (II, 36, 77), ginagawa itong tinapay. (Tingnan ang Eze 4:9.) Waring itinatanim ito noon ng mga Israelita bilang hanggahan sa palibot ng kanilang mga bukid upang magsilbing isang uri ng bakod.​—Isa 28:25.