Kaunawaan sa Kasulatan

Eltolad

Tagalog
Eltolad
/assets/ct/fa815d8e9f/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Eltolad

Eltolad

 Isang lunsod na nasa timugang bahagi ng teritoryo ng tribo ni Juda, tungo sa hanggahan ng Edom (Jos 15:21, 30). Tinatawag din itong Tolad sa 1 Cronica 4:29. Ang Eltolad ay isa sa mga Judeanong lunsod na itinakda sa mga Simeonita bilang kanilang mana. (Jos 19:1, 4) Gaya ng binabanggit sa 1 Cronica 4:24-31, ito ang mga lunsod ng mga Simeonita hanggang sa maghari si David.