Kaunawaan sa Kasulatan

Elisapat

Tagalog
Elisapat
/assets/ct/29206d32a6/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Elisapat

Elisapat

 [Ang Aking Diyos ay Humatol].

 Isa sa mga pinuno ng daan-daan kung kanino nakipagtipan si Jehoiada na saserdote; pagkatapos nito, kabilang siya sa mga isinugo sa buong Juda upang tipunin ang mga Levita at ang mga ulo ng mga sambahayan ng Israel sa panig ng ama. (2Cr 23:1, 2) Sinuportahan ni Elisapat si Jehoiada sa pagsisikap nito na makuha ang paghahari para kay Jehoas na siyang lehitimong tagapagmana ng trono at upang mapatalsik ang mang-aagaw na si Athalia.