Kaunawaan sa Kasulatan

Ebed

Tagalog
Ebed
/assets/ct/b4d7e1101e/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Ebed

Ebed

 [Lingkod; o, pinaikling anyo ng Obadias, na nangangahulugang “Lingkod ni Jehova”].

  1. Ama ni Gaal, ang nanguna sa mga may-ari ng lupain sa Sikem sa isang di-matagumpay na paghihimagsik laban kay Abimelec.​—Huk 9:26, 29, 39-41.

  2. Anak ni Jonatan. Si Ebed, kasama ang 50 lalaki mula sa sambahayan ni Adin sa panig ng ama, ay bumalik sa Jerusalem mula sa Babilonya kasama ni Ezra.​—Ezr 8:6.