Kaunawaan sa Kasulatan

Delaias

Tagalog
Delaias
/assets/ct/79e1b14fff/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Delaias

Delaias

 [Hinango ni Jehova [upang iligtas]].

  1. Isang Aaronikong saserdote noong panahon ni David na itinalaga sa pamamagitan ng palabunutan bilang ulo ng ika-23 pangkat ng mga saserdote.​—1Cr 24:1, 5, 18.

  2. Anak ni Semaias; isa sa mga prinsipe sa korte ni Haring Jehoiakim na nakarinig kay Baruc nang basahin nito ang aklat na isinulat ni Jeremias at pagkatapos niyaon ay lumilitaw na nag-ulat sa hari. Nang basahin ang balumbon sa harap ni Jehoiakim, si Delaias at ang dalawa pang prinsipe ay nabigo sa pagsusumamo sa hari na huwag itong sunugin.​—Jer 36:11-26.

  3. Ang ninuno ng ilang tao na pumaroon sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. ngunit hindi nakapagpatunay na sila ay mga Israelita.​—Ezr 2:1, 59, 60; Ne 7:61, 62.

  4. Anak ni Mehetabel at ama ng Semaias na inupahan nina Sanbalat at Tobia upang takutin si Nehemias na gobernador.​—Ne 6:10-13.

  5. Isa sa pitong anak na lalaki ni Elioenai; inapo ni David sa pamamagitan ni Solomon.​—1Cr 3:10, 24.