Kaunawaan sa Kasulatan

Cun

Tagalog
Cun
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Cun

Cun

 Isa sa mga lunsod ni Haring Hadadezer ng Zoba. Mula rito’y kumuha si David ng napakaraming tanso na ginamit sa pagtatayo ng templo. (1Cr 18:8) Sa katulad na ulat sa 2 Samuel 8:8, pangalang Berotai ang lumilitaw sa halip na Cun at maaaring tumutukoy rin iyon sa lugar na ito. Ayon sa iba, maaaring ipalagay na ang Kuna sa Ras Baʽalbek, na 43 km (27 mi) sa HS ng Bereitan (ang iminumungkahing lokasyon ng Berotai) ay ang Cun sa Bibliya.​—Tingnan ang BEROTA, BEROTAI.