Kaunawaan sa Kasulatan

Biziotias

Tagalog
Biziotias
/assets/ct/a63ae92c98/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Biziotias

Biziotias

 Isa sa mga bayan sa mana ng tribo ni Juda sa rehiyon ng Negeb. Nakatala ito kasunod ng Beer-sheba. (Jos 15:21, 28) Hindi alam kung saan ang lokasyon nito. Sa Griegong Septuagint, “kanilang mga nayon” ang mababasa sa halip na ang pangalang pantangi na Biziotias.​—Ihambing ang Ne 11:27.