Kaunawaan sa Kasulatan

Beerot Bene-jaakan

Tagalog
Beerot Bene-jaakan
/assets/ct/579af9cf16/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Beerot Bene-jaakan

Beerot Bene-jaakan

 [Mga Balon ng mga Anak ni Jaakan].

 Isang lugar na marahil ay ilang ulit na pinagkampuhan ng mga Israelita noong panahon ng kanilang pagpapagala-gala sa ilang, anupat ang huling pagkakataon ay noon mismong bago mamatay si Aaron sa Bundok Hor. (Deu 10:6) Ipinapalagay na ito ang el-Birein, mga 62 km (38 mi) sa TK ng Beer-sheba at malapit sa makabagong ʽEzuz. May mga balon dito, at ang malamang na lokasyon ng Kades-barnea ay mga ilang milya lamang sa timog. Sinabi ni Nelson Glueck: “Napakaraming sinaunang mga lugar sa distritong ito.” (Rivers in the Desert, 1960, p. 97) Ang Beerot Bene-jaakan ay tinutukoy lamang na Bene-jaakan sa Bilang 33:31.​—Tingnan ang BENE-JAAKAN.