Kaunawaan sa Kasulatan

Bebai

Tagalog
Bebai
/assets/ct/7e6416ec85/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Bebai

Bebai

  1. Isang ulo ng sambahayan na ang mga inapo, mahigit na 600, ay bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 11; Ne 7:16) Dalawampu’t siyam pang inapo niya ang pumaroong kasama ni Ezra noong 468 B.C.E. (Ezr 8:11) Apat sa unang grupo ang kumuha ng mga asawang banyaga, ngunit pinaalis nila ang mga iyon dahil sa paghimok ni Ezra.​—Ezr 10:28, 44.

  2. Isang prominenteng tao o isang kinatawan ng mga anak ni Bebai (Blg. 1), na nagpatotoo sa kasunduan ng katapatan na iniharap ni Nehemias.​—Ne 9:38; 10:1, 15.