Kaunawaan sa Kasulatan

Ahuzat

Tagalog
Ahuzat
/assets/ct/08c9985de2/images/syn_placeholder_sqr.png
it

Ahuzat

Ahuzat

 [Pag-aari].

 Ang “matalik na kaibigan” na sumama kay Abimelec, ang Filisteong hari ng Gerar, sa isang pagdalaw kay Isaac sa Beer-sheba. (Gen 26:23, 26) Ito ang unang pagbanggit ng Bibliya sa isang “matalik na kaibigan,” ang katayuan ng isang pinagkakatiwalaang malapít na kasamahan na sinasangguni para sa payo o awtorisado bilang tagapagsalita.​—Tingnan ang KAIBIGAN (Kaibigan [Kasamahan] ng Hari).