Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2

Ang Iyong mga Magulang

Tagalog
Ang Iyong mga Magulang
/assets/ct/28ada02fb0/images/syn_placeholder_sqr.png
yp2 p. 172-173
Ang Iyong mga Magulang

SEKSIYON 6

Ang Iyong mga Magulang

Makaranasan ang mga magulang. Ayon nga sa kasabihan, papunta ka pa lang, pabalik na sila. Kaya sila ang pangunahing makakatulong sa iyo na maharap ang pisikal at emosyonal na mga pagbabagong kaakibat ng pagbibinata o pagdadalaga. Pero kung minsan, tila problema ang naibibigay sa iyo ng mga magulang mo, sa halip na solusyon. Halimbawa, baka mapaharap ka sa ganitong mga situwasyon:

Lagi na lang akong sinesermunan ng mga magulang ko.

Lulong sa droga o alak si Itay o Inay.

Laging nag-aaway ang mga magulang ko.

Naghiwalay ang mga magulang ko.

Tutulungan ka ng Kabanata 21-25 na harapin ang mga situwasyong ito at ang iba pang problema.

[Buong-pahinang larawan sa pahina 172, 173]