Pumunta sa nilalaman

DISYEMBRE 13, 2018
UNITED STATES

Huling Property ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn na nasa One York Street, Naibenta Na

Huling Property ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn na nasa One York Street, Naibenta Na

Noong Disyembre 12, 2018, naibenta na ng mga Saksi ni Jehova sa Fortis Dumbo Acquisition, LLC ang huli nilang property sa dati nilang punong-tanggapan sa Brooklyn, sa One York Street, na kilalá rin bilang 30 Front Street. Mula 2004, naibenta na ng mga Saksi ang 37 sa kanilang property sa Brooklyn.

Nang bilhin ng mga Saksi ang lote sa York Street noong 1977, ginamit nila ito bilang parking lot para sa mga nagtatrabaho sa punong-tanggapan. Ang bakanteng lote (makikita sa larawan) ay nasa makasaysayang komunidad ng DUMBO at nasa gilid ito ng Brooklyn Bridge at ng Brooklyn-Queens Expressway.

Sa loob ng mahigit 100 taon, inoorganisa ng mga Saksi ang kanilang pambuong-daigdig na gawaing pagtuturo tungkol sa Bibliya mula sa kanilang punong-tanggapan sa Brooklyn. Mula noong 2016, nasa Warwick, New York na ang punong-tanggapan ng mga Saksi.

Para sa mga Katanungan: Office of Public Information, +1-845-524-3000