Ang mga Saksi ni Jehova ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa kanilang mga miyembro at sa iba pang biktima ng mga pagbaha sa Democratic Republic of the Congo. Nasalanta ang bayan ng Boma, mga 470 kilometro (300 mi) sa timog-kanluran ng Kinshasa, noong linggo ng Disyembre 26.

May 39 na pamilyang Saksi ang naapektuhan ng pagbaha, kasama ang isang Saksi na namatay dahil sa sakuna. Limang tahanan din ng mga Saksi ang lubusang nasira, at lima pa ang napinsala.

Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Congo ay nagpadala ng pagkain at mga damit para sa mga biktimang Saksi na nasa kanluraning bahagi ng bansa. Nagboluntaryo rin ang mga Saksi sa mga lunsod ng Matadi at Muanda, mga 80 kilometro (50 mi) mula sa Boma, para tulungan ang kanilang mga kapananampalataya.

Gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi, ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova, na nasa pandaigdig na punong-tanggapan sa Warwick, New York, ang nag-oorganisa ng pagtulong para sa Congo.

Media Contacts:

International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000

Democratic Republic of the Congo: Robert Elongo, +243-81-555-1000